-- Advertisements --
Tinambakan ng TNT Tropang Giga ang Phoenix 106-70 sa nagpapatuloy na PBA 49th Commissioners Cup na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo City.
Dahil dito ay eliminated na ang Phoenix habang ang TNT ay target ang pangalawang position para sa twice-to-beat game sa playoffs.
Sinabi ni Tropang Giga head coach Chot Reyes na pinaghahandaan nila ngayon ang harapan ng San Miguel Beermen.
Bumandera sa panalo ng TNT ang import na si Rondae Hollis-Jefferson na nagtala ng 15 points at 10 rebounds habang mayroong 12 points si RR Pogoy, tig-11 points naman sina Kim Aurin at Calvin Oftana at tig-walong puntos.