-- Advertisements --
Tinambakan ng TNT KaTropa ang Rain or Shine Elasto Painters 102-81 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup.
Bumida sa panalo ng TNT si Terrence Romeo na nagtala ng 33 points, 21 rebounds at 12 assists.
Nag-ambag naman ng 19 points si RR Pogoy at 15 points si Jayson Castro.
Mula pa sa unang quarter ay hawak na ng TNT ang kalamangan na umabot pa sa ito sa 25 points.
Ito na ang anim na sunod na panalo ng TNT na mayroon ng silang kabuuang walong panalo at isang talo haban ang Rain or Shine ay mayroong tatlong panalo at limang talo.
Ipinagmalaki naman ni TNT coach Bong Ravena ang ipinatupad na matinding depensa ng kaniyang manlalaro na naging susi ng panalo nila.