Inihayag ni House Ways and Means Chair at Albay Representative Joey Sarte Salceda, na nais ng House tax panel na labanan ang ipinagbabawal na kalakalan ng mga produktong tabako sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga produktong ito sa online.
Sinabi ni Slaceda na tanging ang mga nakarehistro sa DTI at BIR ang papayagang ma-access sa mga digital marketplace.
“By default, selling tobacco, vape, and other nicotine products will not be allowed online, in line with Republic Act No. 9211 which prohibits advertising tobacco in mass media, including the internet.”
Ito’y matapos aprubahan ng House tax committee ang House Bill No. 1032 on illicit trade.
Ang nasabing committee report ay binuo ng technical working group sa pamumuno ni Marikina Rep. Stella Quimbo.
Kinumpirma din ni Salceda na nasa P221 billion revenues ang nawala sa gobyerno dahil sa illicit trade ng mga tocacco products.
Bukod sa panukalang pag ban sa online sale ng tobacco at iba pang mga nicotine products may iba pang mga features ang nakapaloob sa nasabing panukalang batas.
Sinabi ni Salceda na kaniyang inaasahan na aprubahan ng House Committee on Appropriations ang mga probisyon ng appropriations ng panukala ngayong Agosto, para maaprubahan ng Kamara ang panukala bago ang paghahain ng certificates of candidacy sa Oktubre.