-- Advertisements --

ROXAS CITY – Malayong maapektuhan ang Tobruk city sa Libya ng lumalalang civil war sa kabisera ng bansa na Tripoli.

Ito ang inihayag sa Bombo Radyo Roxas ng international correspondent Mary Arlene Zarate-Flores, tubong Kimaya, Jasaan, Misamis Oriental na nagtatrabaho bilang isang nurse sa Tobruk Medical Center.

Ayon kay Flores, nakasentro lamang sa Tripoli ang kaguluhan kaya limitado raw ang paglabas ng kanyang mga kaibigang overseas Filipino Workers (OFW) sa kabisera ng bansa.

Nakakakuha lamang aniya sila ng update patungkol sa sitwasyon sa lumalalang tensiyon sa Tripoli sa pamamagitan ng presidente ng Filipino community doon na may direktang koneksiyon sa embahada ng Pilipinas sa Libya.

Maliban aniya sa Tripoli ay ligtas mula sa kaguluhan ang ibang karatig na bayan.

Sa ngayon nakataas ang alert Level 4 sa Libya.