Binigyang paliwanag ni Pope Francis ang kahalagahan ng Feast of All Saints Day.
Sa kanyang pangunguna sa Angelus sa St. Peter’s Square sa Vatican nagpaliwanag ang Santo Papa na ang mga naging santo ay nagpapakita lamang na ang lahat ng tao ay pwedeng maging banal sa kanyang pang araw-araw na buhay.
“The saints of all times, which we all celebrate together today, are not simply symbols, distant human beings, unreachable… On the contrary, they are people who have lived with their feet on the ground,” ani Pope Francis. “They have experienced the daily toil of existence with its successes and its failures, finding in the Lord the strength to always get up and continue the journey.”
Ayon pa sa lider ng Simbahan, ang selebrasyon ng araw ng mga santo ay hindi lamang mga simbolo o mga nilalang mula sa malalayong lugar.
Gayunman ang pagkamit daw nang pagiging santo ay hindi naabot nang mag-isa lamang
kundi ito raw ay bunga rin nang pagpapala ng Diyos.
“Is the fruit of the grace of God and of our free response to it… is the path of fullness that every Christian is called to follow in the faith, proceeding towards the final goal: the definitive communion with God in eternal life.”