Hanggang sa ngayon wala pa ring iniulat na namatay ng muling buhayin ng Pambansang Pulisya ang Oplan Tokhang reloaded higit isang buwan na ang nakakalipas.
Ayon kay PNP Spokesperson CSupt. John Bulalacao sa nasabing kampanya kung saan house-to-house visit ang inilunsad ng mga pulis ay nagresulta sa pagsuko ng nasa 3,173 na mga drug suspeks.
“Up to now, Oplan Tokhang still has no recorded deaths. This is our soft effort against the use of illegal drugs. We assure that Tokhang activities will be less bloody,” pahayag ni Bulalacao.
Iniulat ni Bulalacao na ang may pinaka maraminbg sumuko na drug suspeks sa Oplan Tokhang ay mula sa Northern Mindanao na may 405, sumunod ang Metro Manila ay 240.
Dagdag pa ni Bulalacao na ang mga sumuko sa isinagawang Tokhang activities ay sumailalim na sa recovery, wellness program mula sa PNP, DOH at LGUs.
Binigyang-diin ni Bulalacao na kabilang sa kanilang target sa Tokhang activities ay mga high value targets at mga street level targets.
Higit 10,000 suspeks na ang naaresto ng PNP simula nuong December 5, 2017.
Nasa 102 naman drug suspek ang nasawi dahil nanlaban sa isingawang anti-drug operations ng PNP.