-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Ikinasa na ng mga opisyal sa isang Barangay sa syudad ng Kidapawan ang operation Tokhang sa mga unvaccinated.

Ayon kay Barangay Sudapin Barangay Chairman John Carl Sibug na umarangkada na ang kanilang programa na“toktok hangyo.”

Sinabi ni Kapitan Sibug na pupuntahan nila ang bawat tahanan at hilingin sa mga hindi pa naturukan na magpabakuna na.

Katuwang ng BLGU-Sudapin ang mga healthcare workers sa pagpapatupad ng Tokhang

Nasa 20 percent pa ang hindi nakapagpaturok SA Bafrangay Sudapin Kidapawan City.

Rason ng iilan ay takot sila na magpabakuna dahil na rin sa kumakalat na pekeng impormasyon hinggil dito.

Anya, layon ng programa na mas maraming mga taga Sudapin pa ang mabibigyan ng bakuna at proteksyon lalo na ngayong ibat-ibang mga variants ang lumalabas na maaring makapasok sa lungsod.