“Tokhang style” daw ang gagamiting estilo ng pangangampanya ni Senador Ronald Bato dela Rosa para sa papalapit na 2025 national and local elections.
Tugon ito ni dela Rosa kung saan aniya bahagi ng kanyang strategy ang tokhang style campaign o house to house visit para mapataas pa ang kanyang ranking sa pagkasenador.
Ang tokhang ay isang gawa-gawang salita na pinasikat noong panahon ng drug war campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Nabuo ito sa pamamagitan ng pinagsamang Visayan term na “toktok” o katok at “hangyo” o hiling o makiusap.
Si dela Rosa ang pangunahing nagpatupad ng war on drugs noong administrasyon duterte.
Nang matanong pa ang senador kung magdudulof ba ng dibisyon at kalituhan ang lanyang estilo — sinabi lang ni Dela Rosa na alam niyang hindi siya iboboto ng sinumang may ayaw sa tokhang.
Nagsimula na kahapon ang 90-araw ng campaign period ng mga kakandidato para sa pagka-senador at Party-list para sa 2025 Midterm Elections.
Kanya-kanyang gimik na rin ang ginagawa ng mga tumatakbo para makuha ang loob ng bawat botante nang sa gayon ay sila ay iboto.
Nakatakda sa Mayo 12 ang 2025 national and local elections.