Hindi na nakapagpigil ang ilang miyembro ng executive board ng Japanese Olympic Committee (JOC) at nanawagan na rin na dapat na munang ipagpaliban ang 2020 Tokyo Olympics.
Ayon kay Kaori Yamaguchi, isa sa mga board members ng JOC, hindi nakapagsanay nang maayos ang mga atleta para sa kanilang mga events dahil sa umiiral na restriksyon bunsod ng COVID-19.
Inilalagay din umano ng International Olympic Committee (IOC) ang mga atleta sa panganib dahil nagsasanay pa rin ito sa kanila ng outbreak.
“As far as I can tell, athletes in the United States and Europe are unable to train as normal and finish their qualifying matches,” wika ni Yamaguchi. “That makes it impossible for them to appear well prepared at the start, with all the associated risks.”
Bunsod din aniya ng pandemic ay napilitan ang mga fans na kanselahin muna ang kanilang biyahe sa Tokyo para manood sana ng Summer Games.
Bago ito, nanindigan ang IOC, maging si Japanese Prime Minister Abe Shinzo, na tuloy ang mga paghahanda para sa Olimpyada, na idaraos mula Hunyo 24 hanggang Agosto 9.