-- Advertisements --
Kinansela ng mga organizers ang Tokyo Motor Show.
Ito ang unang pagkakataon na kanselado ang nasabing event sa loob ng 67-taon.
Ayon sa organizers, ang tumataas na kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.
Nagsimula ang Tokyo Motor Show noong 1954 at ito ay ginaganap kada dalawang taon.
Noong nakaraang 2019 ay aabot sa mahigit 1.3 milyon katao ang dumalo base na rin sa Japan Automobile Manufacturer Association.
Ayon kay Akio Toyoda ang chairman ng organisasyon na ayaw nilang isugal ang kalusugan ng mga dadalo sa kanilang event.
Magugunitang inilagay sa state of emergency ang Osaka, Tokyo at tatlong lugar sa Japan dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.