-- Advertisements --

Patuloy ang ipinapatupad na paghihigpit ng gobyerno ng Tokyo, Japan sa kanilang mga mamamayan para hindi na kumalat pa at dumami ang kaso ng nadadapuan ng coronavirus.

Ito ay matapos na magtala ang nasabing lugar ng 222 bagong kaso ng coronavirus nitong Miyerkules.

Ayon sa metropolitan government, karamihan sa mga nadadapuan ay yung mga nasa edad 20 hanggang 30 na binubuo ng 60 percent ng kabuuang kaso habang nag natitira ay yung mga nasa edad 60 pataas na.

Umaabot na sa kabuuang 16,400 ang kaso ng COVID-19 sa nasabing lugar habang sa buong bansang Japan ay pumalo na sa mahigit 50,000 ang kabuuang kaso.

Dahil sa nasabing bilang ay patuloy ang ginagawang panawagan nila sa mga residente na iwasan na ang lumabas sa kanilang bahay para maiwasan ang pagkalat at pagdami ng bilang ng virus.