-- Advertisements --
Nagbitiw sa kaniyang tungkulin si Tokyo 2020 Olympics chief Yoshiro Mori.
Kasunod ito ng kaniyang pahayag laban sa mga kababaihan, ilang linggo na ang nakakaraan.
Binatikos kasi nito ang kababaihan na sila daw umano ang nagpapatagal ng pagpupulong.
Kapag aniya gusto nilang mapabilis ang mga pulong ay dapat iwasan nilang kumuha ng mga babae na kasamahan.
Agad namang humingi ng paumanhin ang 83-anyos na dating Japanese Prime Minister at sinabing nangyari ang insidente sa isang close door meeting.