Ikinatuwa ng Tokyo Olympics organizers ang balitang nalalapit ng pagbuo ng bakuna laban sa COVID-19.
Isang malaking ginhawa aniya ang balitang dumarami ang bilang ng mga drug company na nagpapahayag na nagtatagumpay na ang kanilang ginagawang bakuna.
Sinabi ni Tokyo Olympics delivery officer Hidemasa Nakamura, na patuloy ang kanilang ginagawang pag-antabay sa nasabing mga balita ukol sa matagumpay na bakuna.
Hanggang kasi ngayon ay wala silang balak na ipagpaliban muli ang mga laro sa darating na Hulyo 2021.
Kahit aniya na mayroon ng bakuna ay magpapatupad pa rin sila ng health protocols gaya ng pagsasagawa ng physical distancing, pagsuot ng face mask at ilan pa.
Magugunitang ilang mga drug companies sa buong mundo ang nagpahayag na nagiging epektibo na ang kanilang ginawang bakuna base na rin sa mga isinagawang clinical trials.