Ipinagtanggol ng Tokyo Olympics organizers ang paghiling nila ng 500 nurses.
Ayon kay Tokyo 2020 CEO Toshiro Muto na kanila pang pinag-uusapan ang nasabing plano at pagtitiyak nila na magiging ligtas ang mga nurses.
Nilinaw nito na hindi maaapektuhan ang mga serbisyo nila sa mga bayan kung saan kukunin ang nasabing mga nurses.
Nauna rito, binatikos ng maraming residente ng Japan ang planong ito ng organizer kung saan hindi napapanahon na alisin ang mga nurses sa mga pagamutan at dalhin sa Tokyo Olympics lalo na ngayong tumataas ang kaso ng COVID-19 sa Japan.
Magugunitang nagdeklara ng state of emergency sa Tokyo at tatlong ibang rehiyon dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ipinatupad ang lockdown tatlong buwan bago ang pagbubukas ng Olympics sa darating na Hulyo 23.