Plano ngayon ng Tokyo Olympics organizers at mga Japanese officials na maglagay ng infectious disease control center para matiyak na hindi magkakaroong n hawaan ng COVID-19.
Papangalanang ito bilang Organizing Committee Infectious Disease Control Center.
Magiging trabaho nito ay magkaroon ng testing at tracing ng mga nadadapuan at magsagawa rin ng mga isolation at paggamot sa mga posibleng nadapuan ng virus.
Sinabi ni Tokyo 2020 chief executive Toshiro Muto, na may mga nakatalagang mga doktor at mahigpit ang kanilang pagpapatupad ng mga health protocols sa mga athletes village.
Ilan sa mga ipapatupad ay ang paglimita ng mga galaw ng atleta at paglalagay ng mga ruta ng mga sasakyan para hindi dumami ang contacts at exposures.
Maaari pa aniyang magbago ang nasabing plano hanggang sa mga darating na pagpupulong.