-- Advertisements --

Inilabas na ng organizers ng Tokyo Olympics ang ilang mga panuntunan para sa lalahok sa nasabing torneo.

Ilan sa mga dito ay ang pagbabawal ng pagsasagawa ng party sa Athletes Village.

Sakaling natapos na sila sa paglalaro ay agad dapat na silang umalis na sa lugar o bumalik na sa kanilang mga bansang pinanggalingan.

Ayon kay John Coates, ang International Olympic Committee (IOC) oversight member ng Olympic, na ang pagpapanatili kais ng mga manlalaro sa atlethic village ay lalong magpapalala ng kaso ng COVID-19.

Pagbabawalan rin ang mga atleta na umikot o mamamasyal sa iba’t-ibang bahagi ng lugar bilang pag-iingat na rin sa posibleng hawaan ng nasabing virus.