-- Advertisements --
Napili sa unang pagkakataon ang isang babae para sa torch relay ng 2020 Tokyo Olympics.
Magsisimula ang nasabing event sa Athens Greece sa darating na March 12.
Napili na magdadala ng torch si Rio de Janiero shooting gold medalist Anna Korakaki.
Tatakbo ang nasabing torch relay sa Greece sa loob ng ilang linggo bago ipapasakamay sa Tokyo organizing ceremony sa Athens.
Tatanggapin ni Greece’s pole vault gold medalist Katerina Stefanidi ang nasabing torch.
Sinabi ni Greece’s national Olympic committee president Spyros Capralos na ang pagkapili kay Korakaki ay maituturing na makasaysayan.