-- Advertisements --

Binulabog ngayon ang Tokyo Olympic Village kung saan titirhan ng libu-libong mga atleta matapos na kumpirmahin ng mga organizers ang kauna-unahang kaso ng COVID-19.

Ang naturang sitwasyon ay anim na araw bago ang opening ceremony.

Hindi naman kinilala ang nagpositibo sa virus matapos sumailalim sa screening test pero ito raw ay isang dayuhan.

Inilipat na rin ito sa isang hotel para sumailalim sa quarantine.

Sa ngayon matindi ang patakaran para sa mga delegado sa Olimpiyada na araw-araw ay isinasailalim sa COVID tests.

Sinsabing 48 oras bago dumating sa Japan ang mga atleta ay kailangan ding merong negative RT-PCR test ang ito.