-- Advertisements --
Ibinunyag ng organizer ng Tokyo Olympics na wala silang Plan B kung sakaling makansela ang nasabing sporting events dahil sa banta ng coronavirus.
Sinabi ni Katsura Enyo, deputy director general ng Tokyo 2020 Preparation Bureau na maaaring mayroong mga maliliit na pagbabago lamang subalit tuloy pa rin ito.
Sinuportahan naman ito ni International Olympic Committee (IOC) president Thomas Bach ang desisyon ng Japan kung saan sinabi nito na desidido ang nasabing bansa na ituloy ito sa nasabing petsa.
Aabot kasi sa mahigit $12 billion (estimated P600-B) ang nagastos para sa pinakamalaking sporting event na gaganapin simula Hulyo 24 hanggang Agosto 9.