-- Advertisements --

CEBU CITY – Sarado pa rin para sa international audience ang ilang mga venues sa nalalapit na Tokyo Olympics na gaganapin sa Japan ngayong Hulyo.

Batay sa naging ulat ni Bombo International Correspondent Leah Bartique mula sa Osaka, Japan, hindi muna pinahintulutang pumasok sa teritoryo ng bansa ang mga foreign visitors dahil sa umaakyat na bilang ng mga nahawaan ng COVID-19.

Napag-alamang kabilang ang Pilipinas sa 152 na mga bansa mula sa Asya at ibang mga rehiyon sa ipinatupad na travel advisory kung saan hindi pinatuloy sa nasabing bansa ang mga bisita.

Kahit na ito ay, aniya, may dalang rehistradong visa upang maiwasan ang lalong pagkahawa ng COVID-19 kaya makakanood nang live ang ilang mga Japanese.

Una nito, nakapagpasya ang International Olympic Committee (IOC) at mga organizers na sarado para sa live international audience ang mga malalaking laro sa nasabing sporting event.