-- Advertisements --

Biglang nagbitiw sa kanyang puwesto ang Tokyo Olympics creative chief dahil sa kontroberisyal niya pahayag na ukol sa “Olympig.”

May kinalaman ito sa panukala ni Hiroshi Sasaki, namumuno ng Olympic opening at closing ceremonies, na bumida ang sikat na plus-size entertainer na si Naomi Watanabe sa opening program at magsuot ito ng itsurang tenga ng baboy.

Ang 33-anyos na si Ms Watanabe, ay isa sa sikat na komedyante sa Japan.

Nangunguna ito sa pagsusulong sa body positive movement na tinatawag na “pochakawaii” na ang ibig sabihin ay “chubby and cute.”

Nag-sorry naman si Sasaki sa kanyang bansag na “Olympig” na maituturing umanong sexist remarks.

Kung maalala nag-resign din sa kanyang puwesto ang dating Tokyo Olympic president na si Yoshiro Mori dahil din sa isyu ng sexist remarks.

Ang pinakamalaking sporting event sa buong mundo ay gaganapin sa darating buwan ng Hulyo hanggang Agosto.