-- Advertisements --
Nasa walong miyembro na ng Tokyo Olympics torch relay sa Kagoshima, Japan, ang nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID).
Ayon sa mga otoridad, ang mga naapektuhan ng COVID ay responsable sa pagkontrol ng traffic sa nasabing bansa.
Tatlo sa kanila ay nagtatatrabaho sa Lungsod ng Amami, habang tatlo ay sa Kirishima City.
Nakasuot naman anila ang mga ito ng face mask ngunit dinapuan pa rin ng deadly virus.
Noong March 25 nang magsimula ang Japan leg ng torch relay na una nang nakansela dahil sa takot na baka magkahawaan ang ibang atleta at staff.
Samantala, posibleng closed doors o walang audience ang gaganaping 2021 Tokyo Olympics.
Habang ang panonood naman ng mga domestic fans ay pagdedesisyunan pa hanggang sa darating na Hunyo.