-- Advertisements --
Magiging limitado na lamang ang mga audience sa gaganaping Tokyo Olympics sa susunod na taon.
Ayon kay Tokyo 2020 chief executive Toshiro Muto, na mas mamabutihin na lamang nilang limitahan ang mga audience kaysa muli itong ipagpaliban.
Isa ring dahilan ng pagkakaroon ng limitadong audience ay para mabawasan ang pagkalat ng virus.
Titiyakin din nila na maghihigpit sila gaya ng pagpapatupad ng health protocols at pagsasailalim sa testing ang mga players at organizers.
Magugunitang itinakda sa July 23, 2021 ang Tokyo Olympics matapos na kanselahin ngayong taon dahil sa coronavirus pandemic.