Tiwala pa rin ang organizers ng Tokyo Olympics na matutuloy pa rin ang mga laro kahit na nahaharap sila malaking pagsubok at ito ay ang patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19.
Sa natitirang 99 araw bago ang July 23 Olympics ay positibo pa rin ang mga organizers na matutuloy ang mga events.
Isa sa naging halimbawa na wala ng makakahadlang sa mga laro ay ang pagsisimula na ng Olympic torch relay na nag-umpisa sa Fukushima noong nakaraang buwan.
Bagamat hindi na kailangan na maturukan ng COVID-19 vaccines ang mga atleta ay hinihikayat pa rin sila ng International Olympic Committee ang pagpapabakuna at naglaan na rin sila ng Chinese-made vaccines para sa mga atleta na wala pang bakuna.
Ayon sa mga organizers, mapapawi at mawawala ang atensiyon ng mga tao sa COVID-19 kapag makita nila ang mga atleta sa entablado sa pagsisimula ng Olympics.