Ipinakita ang Tokyo Olympic organizers na wala ng dahilan para muli pa nilang kanselahin ang nasabing torneo sa susunod na taon.
Isa aniya sa pagpapatunay ng kanilang kahandaan ay ang pagbabalik sa Tokyo Bay ng The Olympic rings monument.
May taas ito na 15.3 meters at lapad na 32.6 metro na unang inilagay noong Enero.
Unang inilagay ito noong Enero subalit ito ay tinanggal noong Agosto ng ito ay inayos.
Sinabi ni Tokyo metropolitan government planning director Atsushi Yanashimizu na ang paglalagay ng nasabing simbolo ay nangangahulugan ng tuloy-tuloy na ang nabinbin na torneo.
Magugunitang ipinagpaliban ang nasabing torneo dahil sa coronavirus pandemic.
Aabot naman sa $960 milion ang nakalaan na halaga ng organizer para labanan ang COVID-19 kapag nagsimula na ang torneo.