-- Advertisements --
Nagpasya ang Japan na walang mga audience na mula sa ibang bansa sa hosting nila ng Tokyo Olympics at Paralympics.
Ang nasabing hakbang aniya ay para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Nakatakdang makipagpulong ang Japanese government at Japanese organizing committee ng Summer games sa International Olympic Committee para sa nasabing usapin.
Sinabi ni Seiko Hashimoto ang pangulo ng Japanese committee na gagawin ang torch relay ng walang audience para hindi na sila mangamba sa pagkahawa at pagkalat ng bagong variant ng COVID-19.
Magugunitang umabot sa $15 billion ang nagastos ng gobyerno mula ng kanselahin ang Olympics noong nakaraang taon dahil sa COVID-19 pandemic.
Gaganapin ang opening ceremony ng torneo sa Hulyo 23.