-- Advertisements --
Malaki ang posibilidad na magigIng closed door o walang manonood na mga audience sa Tokyo Olympics dahil sa patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Sinabi ni Tokyo 2020 president Seiko Hashimoto na ito ang kanilang naiisip na paraan para hindi na maantala pa ang nasabing Olympics.
Dagdag pa nito, magiging matagumpay ang mga laro kapag ang organizer ay tuluyang mapoprotektahan ang mga atleta at mga tao sa Japan.
Nauna nang pinagbawalan ang audience sa mga laro habang ang panonood ng mga domestic fans ay pagdedesisyunan ng hanggang Hunyo.