Nanindigan si Japanese Prime Minister Abe Shinzo na itutuloy pa rin sa takdang petsa sa Hulyo ang 2020 Tokyo Olympics sa kabila ng mga pangamba ukol sa coronavirus disease (COVID-19).
Ayon kay Abe, nasa kamay pa rin ng International Olympic Committee (IOC) ang bola kung tuloy o hindi ang Summer Games.
“We will overcome the spread of the infection and host the Olympics without problem, as planned,” wika ni Abe.
Sinabi naman ni Tokyo governor Yuriko Koike, magpapatupad sila ng mahigpit na hakbang laban sa coronavirus outbreak.
Tuloy-tuloy lamang din aniya ang preparasyon para tiyaking ligtas ang sporting event.
Sa pinakahuling datos, mahigit na sa 1,400 ang kaso at 28 patay ang naitala sa Japan bunsod ng COVID-19.
Una nang sinabi ng mga organizers na inaasahang gagastos ng 1.35 trillion yen ang Tokyo Games, na magbubukas na sa Hulyo 24.