-- Advertisements --
Magpapatuloy pa rin ang Tokyo Olympics sa 2021 kahit wala pang bakuna laban sa coronavirus.
Ayon kay International Olympic Committee (IOC) President Thomas Bach na walang magiging problema sa pagsagawa ng torneo kahit na wala pang bakuna.
Inihalimbawa nito ang pagbabaik na ng Tour de France kung saan naging matagumpay ito ngayong taon.
Tiniyak nito na magpapatupad pa rin sila ng mahigpit ng health protocols sa nasabing mga events.
Magugunitang inilipat sa July 23, 2021 ang nasabing Olympics dahil sa pananalasa ng COVID-19 sa buong mundo.