-- Advertisements --

Wala ng balak ang organizers ng Tokyo Olympics na ipagpaliban pa ito mayroon o walang coronavirus sa 2021.

Sinabi ni International Olympic Committee (IOC) Vice President John Coates, na ang mga laro lamang ang siyang makakatalo sa nasabing COVID-19.

Magsisilbi rin kasi ang laro na isang pagbangon sa bansa matapos ang pananalasa ng malaking tsunami sa northeaster Japan noong 2011.

Nauna ng nagpahayag ang grupo ng mga atleta sa Japan na nais nilang malaman ang tunay na kalagayan ng laro kung ito nga ba ay matutuloy o ipagpapaliban pa.

Magugunitang ipinagpaliban ang nasabing torneo na nagsimula sana noong Agosto at ito ay iniurong sa 2021 dahil COVID-19.