All set na sa pagtungo sa Tokyo, Japan, ang tinaguriang World’s Sexiest Athlete.
Una na itong kinilala bilang si Alica Schmidt, 22-anyos na German track and field star.
Matapos ang kumpirmasyon na siya ay tutungo sa Tokyo para sa 2020 summer Olympics, game pang sumalang si Schmidt sa huling sesyon kung saan tumakbo ito para sa 400m category.
Nakatakda siyang sumabak sa 4×400 women’s and mixed relays sa Tokyo Olympics para sa Team Germany.
Taong 2017 nang makasungkit ito ng silver sa European Athletics Under-20 Championship sa 4×400 relay, habang 2019 naman ay nagwagi ito ng bronze sa European Athletics U23 Championship sa Sweden, at lumahok din sa hurdles.
Sa ngayon ay halos two million na ang kanyang Instagram followers.
Nakilala rin sa pagbabahagi ng health and wellness content, nagtatrabaho ang “sexiest athlete” sa German food brands na mga organic sports nutrition companies.