-- Advertisements --

Pinag-aaralan na ngayon ng organizers ng Tokyo Olympics na tuluyan nang pagbawalang makapanood nang personal ang mga fans mula sa ibang mga bansa dahil pa rin sa nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.

Ayon kay organizing committee president Seiko Hashimoto, sakaling lumala ang sitwasyon at malagay sa peligro ang buhay ng mga residente ng Japan, gagawin umano nila ang lahat upang hindi ito mangyari.

Una rito, lumabas sa ilang mga pahayagan ang mga ulat ulat na mayroon na raw pasya na hindi pahihintulutan ang mga banyagang fans na magtungo sa mga venues ng Summer Games para manood.

Tanging binanggit ng mga ito ang ilang mga hindi pinangalanang source na kasama sa ginagawang mga diskusyon.

Posible aniyang lumabas ang pasya sa katapusan ng buwan, lalo pa’t sa sa Marso 25 na magsisimula ang torch relay mula sa northeastern Japan.

Ang Olympics ay naka-schedule na magbukas sa darating na Hulyo 23.