-- Advertisements --
Wala pa ring papayagang manood sa gaganaping Tokyo Paralympics sa darating na Agosto 24.
Ito ang naging desisyon ng mga organizers sa ginawang pulong kasama ang International Paralympic Committee dahil pa rin sa banta ng COVID-19.
Papayagan lamang ang ilang mga mag-aaral na manood pero dadaan sa matinding pag-iingat.
Sinabi ni International Paralympic Committee chief Andrew Parsons na dapat maging maingat ang mga atleta na lalahok sa nasabing palaro.
Magugunitang inilagay sa state of emergency ang maraming lugar sa Japan dahil sa pananalasa ng Delta variant kung saan nagtala sila ng 20,000 na kaso sa loob lamang ng isang araw.