Nagkamali ang Tokyo police sa pag-aresto sa isang Pilipino noong Sabado dahil sa diumano’y overstaying visa kahit na siya ay nasa proseso ng pag-renew ng kanyang residence card, ayon sa pulisya.
Ang 30 anyos na technical intern ay kusang pumunta sa isang police station matapos siyang lapitan ng isang opisyal sa Ueno Station sa Tokyo at hilingin sa kanya na ipakita ang kanyang residence card, na nag-expire na.
Pinalaya naman ng pulisya ang lalaki at humingi ng paumanhin isang oras matapos siyang arestuhin dakong alas-7:10 ng gabi ng Sabado.
Bago siya arestuhin, nakipag-ugnayan ang pulisya sa Immigration Services Agency tungkol sa status ng paninirahan ng lalaki sa pamamagitan ng Metropolitan Police Department’s section na humahawak sa international crime.
Ang mga indibidwal na nasa proseso ng pag-renew ng kanilang residence status ay itinuring na mga legal na residente at ang impormasyon ay karaniwang makikita sa kanilang mga card, pero ang card ng lalaki ay walang impormasyon dahil siya aniya ay nag-apply online.