-- Advertisements --
Aabot sa mahigit 950 ang tiyak na makikinabang sa toll fee rebates para sa mga agricultural products na ipatutupad sa unang araw ng Hunyo.
Batay sa ilalim ng naturang programa partikular ng Agri-Trucks Toll Rebate Program, mababawasan na ang mga toll fees ng mga accredited truckers ng DA.
Sa isang pahayag, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco “Kiko” Tiu Laurel Jr., na makakatulong rin ito para mapababa ang presyo ng bigas.
Kabilang rin sa inaasahang bababa ang presyo ay ang mga produktong karne, gulay, at isda
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang kalihim sa iba’t ibang sector na nakikiisa sa naturang program.
Pinaalalahanan naman nito ang mga trucker na kailangan na maging accredited sila ng DA bago makapag operate.