Magiging ‘cashless’ na ang lahat ng mga toll lanes ng dalawang pangunahing tollways sa Northern Luzon dahil sa pagpapatupad ng RFID stickers.
Ayon sa Metro Pacific Tollways Corp., ang nag-ooperate ng North Luzon Expressways at Subic-Clark-Tarlac Expressway, magsisimula ang nasabing cashless tollway bago ang Nobyembre 2.
Ang nasabing hakbang ay para maiwasan na rin ang posibleng pagkahawa ng coronavirus.
Nakasaad na rin ito sa kautusan mula sa Department of Transportation (DoTR).
Sinabi ni Toll Regulatoy Board (TRB) Executive Director Abe Sales, naapektuhan ang NLEX operations matapos na ang ilan nilang empleyado ay nadapuan ng COVID-19.
Nauna na ring sinabi ng NLEX Corporation na kanila ng tatanggalin ang Easytrip Tags sa Setyembre 30 at lilipat na sila sa RFID.
Sa normal kasi na pagbabayad ng toll ay aabot sa 9-12 seconds habang ang RFID ay tatlong segundo lamang ay makakadaan na sa toll.