-- Advertisements --
Nag-abiso ngayon sa mga motorista sa Metro Manila ang kompaniyang CAVITEX infrastructure Corp. na ipapatupad na simula sa Huwebes, Mayo 12 ang pagtataas ng toll rates sa CAVITEX Paranaque toll plaza.
Ayon sa kompanya inaprubahan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang toll pay hike kasunod nang pagpapatupad din ng mga pagbabago at pagpapaganda pa ng mga pasilidad at kalidad ng CAVITEX highways.
Sa pagpapatupad ng bagong rates, ang mga motorista ay magbabayad ng mga sumusunod na VAT-inclusive rates:
- P33 para sa Class 1 vehicles mula sa dating P25.00
- P67 para sa Class 2 mula sa dating P50.00
- at P100.00 para sa Class 3 mula sa dating P75.00.