Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Toll Regulatory Board dahil umano sa naging aberya sa pagkakabit ng RFID sa mga sasakyan na nagdulot ng matinding trapiko sa lungsod ng Valenzuela at karatig na lugar.
Sa kaniyang national address nitong Miyerkules ng gabi, dapat aniya ay pinag-aralang mabuti ng TRB kung epektibo nga ba ang RFID system.
Ang gobyerno aniya ng pangulo ang masisisi dahil sa kapalpakan ng TRB.
“Mayroon tayong regulator. That’s the purpose of having a regulatory board ‘yung toll.
Ang problema ang regulator is another set of incompetent people, they should not have allowed a system right now to put into use without a trial for about 1 week and anticipate what could be the problem,” wika ng pangulo.
Ikinokonsidera rin ng pangulo na palitan ng mga dating military o kapulisan ang mamumuno ng TRB kapag nagkaroon muli ng kapalpakan sa pag-implementa ng RFID system.