-- Advertisements --
Target ng Toll Regulator Board ang implementasyon ng full interoperability ng RFID systems sa lahat ng tollway sa bansa.
Sinab ni Toll Regulatory Board Spokesman Julius Corpuz na maaring ngayong taon din ito ay lilipat na sila sa cashless toll collections.
Sa kasalukuyan kasi ay gumagamit ng dalawang RFID accounts ang mga motorista sa iba’t-ibang toll na pag-aari ng mga iba’t-ibang kumpanya.
Magsisimula ang pilot run ng nasabing proyekto ngayong araw Enero 10.
Kapag naging matagumpay ito ay magtutuloy-tuloy na ito hanggang sa buwan na ng Hulyo.
Hanggang sa buwan din ng Hulyo ay target nilang ipatupad ang cashless toll.