-- Advertisements --

Balik ang Hollywood star na si Tom Cruise sa Cannes Film Festival kaugnay sa panibago nitong ginawang pelikula na ”Mission: Impossible — Final Reckoning,” tatlong taon matapos ang kanyang pagdalo para sa pelikulang Top Gun: Maverick.

Ipapalabas ang pelikula sa ika-78 na edisyon ng festival sa Mayo 14, bago ang pagpapalabas nito sa mga sinehan sa Mayo 23.

Asahan na makikita sa screening sina Cruise, direktor na si Christopher McQuarrie, at ang buong cast sa Palais des Festivals.

Ito na ang ikatlong beses ni Cruise na magpapakita sa Cannes, kasunod ng kanyang pagbisita noong 2022 para sa Top Gun: Maverick, kung saan binigyan siya ng honorary Palme d’Or.

I-aanunsyo sa Paris ang buong lineup para sa Cannes 2025, na gaganapin mula Mayo 13 hanggang 24.

Bukod dito, tatanggap si Robert De Niro ng honorary Palme d’Or sa opening ceremony ng Mayo 13.