-- Advertisements --

Binigyan ng pagkilala ng US Navy ang Hollywood actor na si Tom Cruise.

Ayon kay Secretary of the Navy Carlos Del Toro, na ang Department of the Navy Distinguished Public Service (DPS) Award ay iginawad sa actor sa isang ceremony sa London.

Kinikilala nila ang kontribusyon at dedikasyon ng actor sa US Navy sa pamamagitan ng kaniyang pelikula.

Ang nasabing award ay siyang pinakamataas na pagkilala na ibinibigay sa mga indibidwal sa labas ng Department of the Navy.

Ang mga pelikula kasi ng actor ay nagdudulot ng public awareness at pagkilala sa mga trained personnel ng Navy at ang kanilang sakripisyo habang suot ang kanilang uniporme.

Nakilala ang actor sa 1986 na pelikulang “Top Gun” na ginampanan nito ang isang Naval fighter pilot na noong 2022 ay nagkaroon ito ng sequel na “Top Gun: Maverick” at ito ay pumatok sa takilya.