-- Advertisements --

Tinanggap na ng beteranong actor na si Tom Cruise ang alok ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) na gumawa ng pelikula sa labas ng International Space Station (ISS).

Ayon sa 57-anyos na actor na sabik na itong makagawa ng pelikula sa kakaibang lugar.

Inaasahang sasakay ang actor sa bagong Crew Dragon spaceship mula sa kumpanyang SpaceX.

Sinabi naman ni NASA Administrator Jim Bridenstine na layon ng pelikula ay para magbigay ng inspirasyon sa mga bagong henerasyon ng engineers at scientists na maging makatotohanan ang ambisyon ng NASA.