-- Advertisements --

Puspusan ang ginagawang ensayo ngayon ni Hollywood actor Tom Cruise para sa closing ceremony ng Paris Olympics.

Siya ang napiling maghahatid ng Olympic Flag sa Los Angeles na siyang host ng 2028 Olympics.

Sinasabing magsasagawa ito ng rappelling mula baba pataas ng Stade de France at lalapag sa stadium dala ang Olympic flag.

Ipapalabas ang nasabing stunt nito sa closing ceremony kung saan may bahagi pa ito na nakasakay ng eroplano mula US patungong France.