-- Advertisements --

Opisyal ng isang Greek citizens ang mag-asawang sina Tom Hanks at Rita Wilson.

Sa kanilang mga social media post, nagpasalamat ang dalawa sa magandang balita na kanilang natanggap ngayong 2020.

Noong nakaraang taon ay hinirang ang mag-asawa at kanilang mga anak bilang honorary Greek citizen matapos ang ginawang pagtulong ng actor sa mga nabiktima ng sunog sa Athnens na ikinasawi ng mahigit 100 katao.

Ayon naman kay Greek Interior Minister Takis Theodorikakos, na ipinakita ng actor ang kaniyang interest na tulungan ang mga tao na nabiktma ng sunog.

Si Wilson ay may lahing Greek habang si Hanks naman ay Greek Orthodox convert ay laging nakikitang nagbabakasyon sa Greece.

Mayroon silang lupain sa Isla ng Antiparos.