-- Advertisements --
Nakalabas na ng pagamutan sa Australia ang US actor na si Tom Hanks at asawang si Rita Wilson.
Nasa nirentahang bahay na ang dalawa sa Queensland matapos na sumailalim sa coronavirus treatment.
Sa kaniyang social media account sinabi ng actor na medyo bumubuti na ang kalagayan nilang mag-asawa.
Magugunitang nasa Gold Coast ang dalawa para sa paggawa ng pelikula tungkol sa buhay ni Elvis Presley na ngayon ay maantala ang pagpapalabas nito.