-- Advertisements --
clinton bush obama

Ginawang espesyal ng team ni US President Joe Biden ang kaniyang pagsisimula sa bagong tungkulin at paglipat sa White House.

Gumawa sila ng aktibidad na pinangunahan ng mga kilalang personalidad kapalit ng tradisyunal na pagdiriwang dahil sa pandemya.

Tampok sa primetime inauguration special na “Celebrating America” ang mga pagtatanghal mula kay Jon Bon Jovi, na nangangampanya kay Biden sa Pennsylvania, Demi Lovato, Justin Timberlake, John Legend, Ant Clemons at iba pa.

Habang ang veteran Hollywood actor na Tom Hanks ang nagsilbi namang host.

Kabilang din sa 90-minute program ang mensahe mula kay US President Joe Biden at Vice President Kamala Harris kung saan nagbigay pugay sila sa ang mga “American heroes” kagaya ng frontline workers, teachers, health care workers, at marami pang iba.

katy perry US
Katy Perry

Kinunan din naman ng video ang paglabas nina Biden at US First Lady Jill Biden sa Blue Room balcony ng White House.

Nagtapos ang virtual inauguration special sa pamamagitan nang pagkuha ng video sa engrandeng fireworks display malapit sa Washington Monument na sinabayan ng finale ni Katy Perry. (with report from Bombo Jane Buna)