-- Advertisements --

Ibinunyag ng actor na si Tom Holland na ito ay magpapahinga muna sa paggawa ng mga pelikula.

Ito ay sa kadahilanan na nakakaranas siya ng pagod sa huling pelikula niyang “The Crowded Room”.

Dagdag pa nito na bagamat sanay siya matinding pagod sa paggawa ng mga pelikula ay kakaiba umano ang kaniyang naranasan sa nasabing series.

Hindi naman binanggit ng ‘Spider-Man’ star kung hanggang maari pang mapalawig ang isang taon na pagpapahinga nito.