Ibinunyag ng actor na si Tom Rodriguez na naaprubahan na sa US ang diborsiyo niya sa asawang si Carla Abellana.
Sinabi nito na umalis ito sa bansa noong Marso matapos na nasayang umano ang kaniyang pagsisikap para masalba ang kasal nila ng actress.
Dagdag pa nito na maraming mga salita ang lumabas laban sa kaniya subalit tanging sila lamang mag-asawa ang nakakaalam ng katotohana.
Itinanggi nito na pisikal nitong sinasaktan ang asawa at nirerespeto niya ang desisyon ng asawa na sila ay maghiwalay.
Binati na lamang nito ang dating asawa na nagdiwang kamakailan ng kaarawan at hangad nito na maging masaya siya.
Noong Oktubre 23, 2021 ng ikasal ang dalawa sa simabahan sa Batangas at matapos ang mahigit dalawang buwan ay doon lumabas ang usapin ang pagkakamalabuan nila sa isa’t-isa.