-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Halos nalinis na ang tone-toneladang basura na inanod sa dalampasigan ng babayin sa isla ng Boracay dahil sa malakas na hanging habagat.

Ayon kay Malay municipal tourism officer Felix Delos Santos, karamihan dito ay mga sanga at dahoon ng iba’t ibang uri ng punong kahoy at isa na rito ang drift wood.

Kaugnay nito, kaagad na nagsagawa ng clearing operation ang lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan katuwang ang mga beach cleaner, Boracay beach guard, Malay Auxiliary Police (MAP), Malay Solid Waste, Muslim Community at mga tao sa lugar para mapabilis ang paglilinis sa beach front.

Dagdag pa ni Delos Santos na pinaniniwalaang mula ang mga ito sa kalapit probinsya at isla kung kaya’t mahigpit nilang ipinapatupad sa isla ang ‘linis ko, tapat ko’.