ILOILO CITY – Tone-toneladang karne ng baboy na pinaniniwalaang kontaminado ng African swine flu (ASF) virus ang nakumpiska ng Bureau of Animal Industry sa buong Western Visayas.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. John Roel Hilario, Regional Veterinary Quarantine Officer ng Bureau of Animal Industry Region-6, sinabi nito na umaabot sa 7,000 kilo o pitong toneladang karne ng baboy ang nakumpiska sa mga domestic at international seaports at airports sa buong rehiyon.
Ayon kay Dr. Hilario, mahigpit ang kanilang ginagawang pagbabantay sa tulong ng local government units at Department of Agriculture upang hindi makalusot ang mga kontaminadong karne ng baboy.
Aniya, kaagad inililibing ang mga nakumpiskang karne ng baboy upang hindi makahawa at magdulot ng sakit.